Walang isang gabi ang pinapalagpas
Sa ating paborito't inabangang palabas
Na sa buong mundo'y tunay ngang nagpamalas
Ng ugaling Pilipinong, nakagigilalas.
Ang Pinoy Big Brother Double Up Edition
Nag-iwan ng tatak, nag-iwan ng leksyon
Na sa ating buhay, anuman ang hamon
Pilipino tayong, lalaban, babangon.
Sa limang matibay na pinarangalan
Bilang mga Big Five ng buong Sambayanan
Ang bansag na iyo'y isa lang katibayan
Na bumilib tayo sa kanilang kakayahan.
Si TIBO na isang, dakilang pamilyado
Walang ninanais kundi ang manalo
Para buhay ng mag-ina'y dagliang magbago
Ngunit siya'y hinirang na kulelat sa boto.
Si JOHAN naman, na mataas ang pangarap
Halatang-halata na gustong magpasikat
Sabagay ay gwapo, katawan ay masarap
Ngunit siya'y hinirang doon lamang sa pang-apat.
Si JASON na tubong Oriental Mindoro
Ang isa sa aking mga paborito
Tinambal kay Melai, sumikat ng todo
Kaya't sa total ranking, nasungkit ang pangatlo.
Si PAUL JAKE naman, ang bisayang mayaman
Walang pinakita kundi kayabangan
Pamilyang mapera, lahat pinag-ubusan
Ang totoo nga'y, di siya binoto ng bayan.
Si MELISSA nga ang star ng gabi
Matapos ang lahat ng pagpupunyagi
Siyang hinatulan bilang nagwagi
Titulong BIG WINNER, kanya nang pag-aari..
Monday, February 15, 2010
Friday, February 12, 2010
CAMPAIGN PERIOD
Panahon na naman ng maugong na kampanya
Para sa kandidatong ang tanging ninanasa
Ay ang pagnakawan ang bayan nating dukha
Kailan uunlad, kailan pa lalaya?
Sa kanilang pangakong madalas bitiwan
Ang mga Pilipino'y puro "oo" na lang
Nadadaan sa bola at sa plastik na kamayan
Kawawang Pilipinas, kawawa ating bayan.
Sa panahong ito marahil, ay tiba-tiba na
Ang mga bigating endorser na artista
Sapagkat milyon-milyon kanilang kinikita
Sa mga kandidatong sandamukal ang pera.
Sa political rally ay nagkakapuyatan
Sapagkat celebrity ay inaabangan
Kahit sandali, kanilang masulyapan
Sa paglatag ng plataporma, sabay-sabay na uwian.
Ano pa ang bukas nitong ating bansa?
Kung mga botante, sa kaalaman ay wala
Kanilang pinipili'y walang nagagawa
Si Lito Lapid lang, isa ng halimbawa.
Isama niyo pa sa aking listahan
Ng mga kandidatong taglay ay kabobohan
Si Bong Revilla na ang tanging alam
Ay mga pelikulang, ang tema ay bakbakan.
Panginoong Hesukristo, kawawa naman tayo!
Ang karapatan nati'y palaging ginagago
Wala pong kasalanan ang mga pulitiko
Ang may kasalanan, ang botanteng bobo!
Sana naman ay kilalanin ang bawat isa
Na tumakbo po at nangangampanya
Bantayan ang kilos ng maraming buwaya
Mga matitino'y, isulat sa balota!
Para sa kandidatong ang tanging ninanasa
Ay ang pagnakawan ang bayan nating dukha
Kailan uunlad, kailan pa lalaya?
Sa kanilang pangakong madalas bitiwan
Ang mga Pilipino'y puro "oo" na lang
Nadadaan sa bola at sa plastik na kamayan
Kawawang Pilipinas, kawawa ating bayan.
Sa panahong ito marahil, ay tiba-tiba na
Ang mga bigating endorser na artista
Sapagkat milyon-milyon kanilang kinikita
Sa mga kandidatong sandamukal ang pera.
Sa political rally ay nagkakapuyatan
Sapagkat celebrity ay inaabangan
Kahit sandali, kanilang masulyapan
Sa paglatag ng plataporma, sabay-sabay na uwian.
Ano pa ang bukas nitong ating bansa?
Kung mga botante, sa kaalaman ay wala
Kanilang pinipili'y walang nagagawa
Si Lito Lapid lang, isa ng halimbawa.
Isama niyo pa sa aking listahan
Ng mga kandidatong taglay ay kabobohan
Si Bong Revilla na ang tanging alam
Ay mga pelikulang, ang tema ay bakbakan.
Panginoong Hesukristo, kawawa naman tayo!
Ang karapatan nati'y palaging ginagago
Wala pong kasalanan ang mga pulitiko
Ang may kasalanan, ang botanteng bobo!
Sana naman ay kilalanin ang bawat isa
Na tumakbo po at nangangampanya
Bantayan ang kilos ng maraming buwaya
Mga matitino'y, isulat sa balota!
Tuesday, September 15, 2009
KANDILA..
Ang bagay na ito'y madalas luhuran
Tila ba sinasamba ang kanyang kagandahan
Madalas ay mahaba at may kalakihan
Madalas nag-iinit ang buo niyang katawan.
Ang bagay na ito, kapag sinimulan
Ilang sandali pa'y bigla ng lalabasan
At saka tutulo, katas ng kapaguran
At maya-maya pa'y titirik na naman.
Ang bagay na ito'y mayroon ding ulo
Na siyang naglalabas ng masaganang likido
Na ubod ng lagkit 'pag iyong hinipo
At tinitiyak kong, didikit sa kamay mo.
Umugong ang sigaw ng bayan at madla
Ako'y inakalang naghahayag ng malaswa
Sapagkat mahalay raw itong aking kinatha
Subalit ang tula ko'y isa po lamang kandila.
Tila ba sinasamba ang kanyang kagandahan
Madalas ay mahaba at may kalakihan
Madalas nag-iinit ang buo niyang katawan.
Ang bagay na ito, kapag sinimulan
Ilang sandali pa'y bigla ng lalabasan
At saka tutulo, katas ng kapaguran
At maya-maya pa'y titirik na naman.
Ang bagay na ito'y mayroon ding ulo
Na siyang naglalabas ng masaganang likido
Na ubod ng lagkit 'pag iyong hinipo
At tinitiyak kong, didikit sa kamay mo.
Umugong ang sigaw ng bayan at madla
Ako'y inakalang naghahayag ng malaswa
Sapagkat mahalay raw itong aking kinatha
Subalit ang tula ko'y isa po lamang kandila.
Subscribe to:
Posts (Atom)